MANILA, Philippines - Magandang balita dahil available na ang ‘Kuryente Load’ o prepaid electricity ng Manila Electric Company (MERALCO) sa mga pilot areas nito sa Rizal.
Inianunsyo ng MEÂRALCO na maaari nang makagamit ng prepaid electricity o ‘Kuryente Load’ ang mga residente ng Taytay at Angono sa Rizal.
Anang MERALCO, sa bagong prepaid service nila ay tiyak na kontrolado na ng mga consuÂmers ang kanilang konsumo sa kuryente na pasok sa kanilang budget.
Wala na rin umanong monthly bills ang mga consumers sa nasabing ‘Kuryente Load’.
Nabatid na ang MERALCO ‘Kuryente Load’ ay abot kaya at nagkakahalaga lamang ng P200, P300, P500 at P1,000 load.
Wala rin itong expiry date at hindi na kinakailangan pa ng service deposit at installation fee.
Maaari umano itong bilhin sa mga suking tindahan, Meralco Business Center at sa Bayad Center.
Mamo-monitor na rin ng consumer ang kanilang konsumo sa kuryente at makakapagtipid sa kanilang paggamit.
Kung sakaling konti na lamang ang load ay magpapadala ng mensahe ang server ng MERALCO na kailangan ng magpa-load ng kuryente.
Ang mga nais na mag-avail nito ay maaaring mag-aplay sa pinakamalapit na Meralco Business Center.