SUBIC, Zambales, Philippines -Anim na pinaghihinalaang drug pushers ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na drug operation sa tatlong barangay sa bayang ito kamakalawa.
Sa ulat ni Chief InsÂpector Oriano Mina, hepe ng Subic PNP, naunang nasakote sa Barangay Cawag sina Ricardo Catalonia, 29, ng Barangay Matain, Subic; Baby Dabon, 51, ng Riverside, Barangay Lipay, Sta Cruz; at Edwin Sabinda, 32, residente ng Purok 7, Barangay Del Pilar, Castillejos.
Nadakip ang mga suspek sa aktong nagbebenta ng isang plastic ng shabu sa isang police asset sa halagang P500.
Nakuha sa pag-iiÂngat ng mga suspek ang marked money, 11 plastic sachet ng shabu, isang .9 mm pistol na may walong bala at isang Toyota Vios (TOM- 399) na umano’y ginagamit ng mga suspek sa pag-deliver ng droga.
Sa Barangay Asinan Proper, ang mga naaÂrestong suspek ay sina Melvin Ellano, 25, ng No.127 Murphy St., Barangay New Kalalaki; at Florencio Miclat, 50, residente ng No. 1418 Tabacuhan, Barangay Sta Rita, pawang sa Olongapo City at nakuha sa pag-iingat ang may 23 plastic sachet ng shabu, marked money at isang Toyota Vios na walang plaka na ginagamit sa illegal na operasyon.
Ang pinakahuli na suspek ay Jason Bhorg, 30, ng No. 39 Gordon St., Barangay New Banicain, Olongapo City habang nagbebenta rin ng shabu sa isang poseur buyer.