MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang karnaper habang kritikal ang dalawa nitong kasamahan pawang miyembro ng “Burdado Gang†sa isang shootout kahapon ng madaling-araw sa Taft Avenue, Malate, Maynila.
Ang suspek na namatay ay kinilalang si Michael de Guzman, 27, residente ng 1074 Int. F Corregidor St. Tondo.
Nasa kritikal na kondisyon ang dalawa nitong kasamahan na sina Mark Davis, 31, ng San Perfecto St. San Juan City na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan na ginagamot sa Ospital ng Maynila at Ogie Ramos, 45, ng 2059 Lozada St., Pandacan, Maynila na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at balikat ay natunton sa Capitol Medical Center bago inilipat sa Philippine General Hospital (PGH).
Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang shootout dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa nasabing lugar ay natiyempuhan ng mga tauhan ng ANCAR ang tatlong suspek na sakay ng tatlong motor at humahagibis.
Kaya’t hinabol ito ng mga pulis, subalit lalo pang humarurot ang mga ito at pinagbabaril ang mga una.
Gumanti ang mga pulis at tinamaan ang mga suspek na kung saan ay namatay noon din si De Guzman.
Ayon sa hepe ng ANCAR na si P/SInsp. Rommel Geneblazo, na ang grupo ng mga suspek ay responsable sa serye ng pang-aagaw ng motorsiklo sa lugar at bahagi ng Pasay City .
Kaya tinawag na mga “Burdado Gang†dahil sa puno ng tribal tattoo ang mga katawan ng mga ito.