Lolo namatay sa sarap?

MANILA, Philippines - Hinihinalang atake sa puso ang naging dahilan ng kamatayan ng isang 60-anyos na lolo habang kapiling ang isa umanong bayaring babae sa loob ng tinuluyang motel kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima ay kinilalang si  Cesar Cueto 60, ng Lot 11, Block 9, E1, Dagat-dagatan ng naturang lungsod. Habang hindi naman pinangalanan ang kasama nitong babae na isinailalim sa pagtatanong ng pulisya.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang tumawag ang isang empleyado ng Fhiolan Apartelle na nasa MH Dela Pilar St., 2nd Ave­nue at iniulat ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima.

Sa imbestigsyon, umaga nang mag-check-in ang biktima at kasamang babae sa naturang apartelle at makalipas ang ilang oras ay humingi na ng saklolo ang babae matapos na tumumba ang biktima sa baldosa.

Show comments