MANILA, Philippines - Nag-isyu ang Supreme Court (SC) ng temporary restraining order (TRO) sa naging desisÂyon ng Court of Appeals (CA) na nagpapawalang bisa sa arrest warrant ng negosyanteng si Delfin Lee kaya’t balido ang arrest warrant na inilabas ng Pampanga Regional Trial Court Branch 42 kaugnay sa kasong syndicated estafa.
Inihayag ni Supreme Court-Public Information Office (SC-PIO) Chief Theodore Te na nagpalabas ng indefinite temporary restraining order (TRO) ang Third Division laban sa desisyon ng CA na naÂngangahulugan na may bisa pa rin ang arrest warrant kay Lee at maituturing na legal ang pag-aresto ng Philippine National Police (PNP) Task Force Tugis noong nakaraang linggo.
Magugunitang una nang naglabas ng TRO ang SC 2nd Division laban naman sa pagpigil sa pagdinig ng DOJ sa 2nd, 3rd at 4th complaint ng estafa laban kay Lee.
Si Lee na founder at presidente ng Globe AsiaÂtique Realty Holdings Corp., ay nahaharap sa kasong syndicated estafa dahil umano sa panloloko sa gobyerno ng P6.6 bilÂyon sa housing loan.
Matapos ang pagdinig ibinalik si Lee sa PamÂpanga Provincial Jail.