Mekaniko durog sa makinang bakal

MANILA, Philippines - Halos madurog ang katawan ng isang 51-anyos na mekaniko matapos na aksidenteng mabagsakan ng 2 toneladang makinang bakal sa garahe ng pinapasukang transport business kamakalawa  sa San Pedro, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Marin, stay-in wrecker ng Sampaguita Transport na matatagpuan sa national highway ng Brgy. Nueva ng bayang ito.

Batay sa ulat, isinasakay nina Marin at ng mga kasamahan nitong sina Diosdado Arabis, 40, warehouseman at Jose Barlao, 59, driver, ang lathe machine (torno) sa wrecker truck ng nasabing HM transport nang biglang kumalas ang hook sa chain block.

Dahilan para mahulog ang makinang bakal na may bigat na dalawang tonelada na aksidenteng bumagsak at dumagan sa biktima na namatay noon din.

Show comments