MANILA, Philippines - Huli ang isang pulis na subject sa ‘shoot to kill order’ noon ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim dahil kabilang umano ito sa grupo ng mga holÂdaper at pumatay sa isang negosyanteng Tsinay at pagkakasugat pa ng kaÂpatid na lalaki at ama nito, sa Binondo, Maynila noong Enero 11, 2012.
Nabatid na dinakip sa isang bahay sa Cogeo, Antipolo City dakong alas-3:50 ng hapon nitong Sabado ang suspek na si PO1 Ernesto Binayug Jr.
Pinamunuan ni Chief Inspector Dennis Wagas, hepe ng Manila Police District-General Assignment Section ang ginaÂwang pag-aresto sa suspek sa bisa na rin ng warrant of arrest na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court Branch 42, sa kasong robbery with homicide na walang kaukulang piyansa.
Si Binayug na dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na isang AWOL at isa sa apat na suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Heidi Hsu, 26, at pagkabaril din sa kapatid na si Herbert Hsu, 24 at ama nilang si Tony Hsu, 67, sa naganap na panghoholdap sa Madrid at Lavezares Sts., sa Binondo, Maynila noong Enero 11, 2012.
Nasaksihan ng ama na si Tony ang paglapit umano ng mga suspek sa kaniyang mga anak na hinoÂholdap at nang saklolohan niya ay pinagbabaril din siya ng apat na suspek.
Kagagaling lamang umano ng mga biktima sa pagsasara sa kanilang tindahan ng sibuyas sa Divisoria market.
Sa imbestigasyon, lumalabas na kabilang si Binayug sa mga suspek at batay na rin sa nakita sa Closed Circuit Television (CCTV) footage.