^

Police Metro

Parak na wanted sa murder at robbery, huli

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huli ang isang pulis na subject sa ‘shoot to kill order’ noon ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim dahil kabilang umano ito sa grupo ng mga hol­daper at pumatay sa isang  negosyanteng Tsinay at pagkakasugat pa ng  ka­patid na lalaki at ama nito, sa Binondo, Maynila noong Enero 11, 2012.

Nabatid na dinakip sa isang bahay sa Cogeo, Antipolo City dakong alas-3:50 ng hapon nitong Sabado ang suspek na si PO1 Ernesto Binayug Jr.

Pinamunuan ni Chief Inspector Dennis Wagas, hepe ng Manila Police District-General Assignment Section ang gina­wang pag-aresto sa suspek sa bisa na rin ng warrant of arrest na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court Branch  42, sa kasong robbery with homicide na walang kaukulang piyansa.

Si Binayug na dating nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), na isang AWOL at  isa sa apat na  suspek sa pagpatay sa negosyanteng si Heidi Hsu, 26, at pagkabaril din sa kapatid na si  Herbert Hsu, 24 at ama nilang si Tony Hsu, 67, sa naganap na panghoholdap sa Madrid­ at Lavezares Sts., sa Binondo, Maynila noong Enero 11, 2012.

Nasaksihan ng ama na si Tony ang paglapit umano ng mga suspek sa kaniyang mga anak na hino­holdap at nang saklolohan niya ay pinagbabaril din siya ng apat na suspek.

 Kagagaling lamang umano ng mga biktima sa pagsasara sa kanilang tindahan ng sibuyas sa Divisoria market.

Sa imbestigasyon, lumalabas na kabilang si Binayug sa mga suspek  at batay na rin sa nakita sa Closed Circuit Television (CCTV)  footage.

 

ANTIPOLO CITY

BINONDO

CHIEF INSPECTOR DENNIS WAGAS

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

ENERO

ERNESTO BINAYUG JR.

HEIDI HSU

HERBERT HSU

LAVEZARES STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with