MANILA, Philippines - Isinulong ngayon nina Reps. Diosdado Macapagal Arroyo (2nd district ng Camarines Sur) at Gloria Macapagal Arroyo (2nd district ng Pampanga) na mabigyan ng libreng edukasyon sa pampublikong elementarya at high school ang mga may kapansanan sa bansa.
Sa House bill 3037 na inihain ng ilang mambabatas, layunin nilang i-adopt at i-modify ang bagong curriculum na siyang aangkop para sa mga may kapansanan.
Nakasaad sa panukala, na sasailaim din sa trainings, seminars at workshop ang mga guro na siyang hahawak sa special classes para sa mga disabled persons.
Nais ng mag-inang Arroyo na magkaroon din ng mga makabagong gadgets, facilities at equipment para sa special education classes at iba pang mga teaching at learning materials upang masiguro ang full development ng mga estudyante.
Sa ilalim pa ng panukala, magkakaroon ng 5-member ÂÂteam sa pangunguna ng district supervisor na siyang gagawa ng identification, screening at evaluation ng mga disabled person samantalang bawat eskwelahan ng distrito ay dapat mag-organisa ng special education base sa grouping, vertical at horizontal accelerations.