MANILA, Philippines - Tiniyak ng kampo ni Sen. Ramon Revilla Jr. na tuloy ang pagtakbo nito sa 2016 presidential elections kahit idinadawit ito sa P10 bilyong pork barrel fund scam.
Sinabi ni Atty. Joel Bodegon, kumpirmado na ang pagtakbo ni Revilla sa pagka-pangulo dahil lalo pang nagiging matunog ang pangalan ng mambabatas makaraang isangkot sa nasabing scam.
Naniniwala ang kampo ng senador na bigo ang mga kritiko na gibain ang pagkatao ni Sen. Bong sa pamamagitan ng pagpapalutang kay TRC head Dennis Cunanan.
Mistula umanong bumalik lang sa mukha ng mga nag-aakusa ang mga pahayag ni Cunanan dahil kinokontra ito mismo ng iba pang testigo.
Sa ngayon, wala pa umanong napipisil na bise presidente ang kampo ni Revilla pero matunog ang tambalang “Bong-Bong Bong†na ang tinutukoy na runningmate ay si Sen. Bong Bong Marcos.
Lilinawin din ni Revilla sa pamamagitan ng privilege speech sa linggong ito ang mga paratang sa kanya ni Dennis CunaÂnan ng dumalo sa pagdinig ng senate blue ribbon committee kamakailan.
Bukod kay Revilla ay nagpahayag na rin ng kagustuhang tumakbong pangulo sina Sen. Alan Peter Cayetano at Vice-President Jejomar Binay.