MANILA, Philippines - Nasugatan ang isang piloto matapos na bumagsak ang pinalilipad nitong aerial spray plane kamakalawa sa Tagum City, Davao del Norte.
Ang biktima na nagtamo ng mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan nabalian sa kaliwang kamay ay kinilalang si Captain Helson Tobias.
Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga ay pinalilipad niya ang kanyang eroplano para isaÂgawa ang pagi-spray ng pesticides laban sa mga kulisap sa Hijo Banana Plantation nang magka-aberya ang makina.
Tuluy-tuloy na bumagsak ang eroplano na pag-aari ng Mactan Aviation Technology Center Inc., sa isang poultry farm sa Purok Macopa, Visayan Village at sa mabuting palad ay walang nadamay na residente sa pagbagsak nito.