2 dalaga hinalay ng akyat-bahay

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na lalaki na nahuling nagnakaw sa inakyat nitong bahay ang natuklasang gumahasa din sa dalawang dalaga na pinasok din nitong bahay sa Brgy. Tejeros, Rosario, Cavite.

Ang suspek ay kinilalang si Jose Espiritu, jobless, at  residente ng Brgy. Sahod Ulan, Tanza, Cavite.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng madaling-araw nang akyatin ng suspek ang bahay ng dalawang registered nurse na sina Be­verly Contrano, 20, dalaga at Terenz Castro, 23 kapwa ng Salinas Real­ty Subd., ng nasabing barangay.

Nang aktong papatakas na ang suspek tangay ang 3 cell phone na nagkakahalaga ng  21,500,00 ay nakita ito ng mga biktima kung kaya’t nagsisigaw ang mga ito upang humingi ng tulong sa mga nagpapatrulyang barangay tanod hanggang sa makorner ito at maaresto.

Sa isinagawang interogasyon ng pulisya sa suspek ay natuklasan na ito rin pala ay pumasok at nagnakaw sa dalawang bahay noong Pebrero 2 at 27 ng madaling-araw na kung saan ay ginahasa nito ang dalawang dalaga.

Positibong itinuro ng dalawang dalaga ang suspek na siyang pumasok at nagnakaw sa kanilang bahay na hindi pa nakuntento ginahasa pa sila nito.

 

Show comments