2nd most wanted nadakip sa Subic

SUBIC FREEPORT ZONE, Philippines -- Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Bataan-CIDG ang isang rapist at pangalawa na most wanted sa Bataan na nagtatago sa loob ng freeport Zone kahapon ng umaga.

Ang suspek na nagtatago sa Boton Area sa loob ng Subic Bay Freeport Zone ay kinila­lang si Armando Gavino Jr., 32, ng Barangay Tugatog, Orani, Bataan.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang masakote ang suspek sa pangunguna ni Provincial Officer Chief Inspector Ruben Tapis sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Remigio Escalada ng RTC, Branch 3 ng Balanga City sa  lalawigan ng Bataan sa kasong 3 counts of rape noong taong 2010.

Show comments