MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang 54-anyos na negosÂyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong lalaki sa panulukan ng Loloy Grande, Brgy. Talon-Talon, Zamboanga City, kamalakawa ng gabi.
Ang nasawing biktima na si Arasad Aminte, 54 anyos, residente ng Arena Blanco ng lungsod ay negosyante ng agar-agar o seaweeds.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 7:10 ng gabi habang ang biktima ay sakay ng isang pampasaherong jeepney mula sa Arena Blanco patungo sa kalunsuran.
Ngunit pagsapit sa panulukan ng Loloy Grande ay bumaba ang isang pasahero at sinabayan ito ng suspect na tinapatan ang biktima at mabilis na binaril ito sa ulo ng malapitan.
Mabilis naman na tumakas ang suspect matapos ang ginawang pamamaril nito.