Trainer plane bumagsak; 2 piloto sugatan…

MANILA, Philippines - Sugatan ang dala­wang piloto matapos na bumagsak ang Cessna trainer plane na kinasasakyan ng mga ito sa Barangay Poblacion Rizal, Nueva Ecija kahapon ng umaga.

Ang pilotong si Paul Pafultad, 30 at co-pilot nitong  Myanmar national na si Wen Hiet, 21, kapwa taga Bilonan, Pangasinan ay sugatan nang bumagsak ang kanilang trainer plane dakong alas 7:20 ng umaga sa bubungan ng bahay ni Glenn Paraiso, 54, sa nasabing lugar.

Nagtamo ng malubhang sugat sa kanyang ulo si Pafultad habang nasa maayos na kondisyon naman si Hiet.

Ayon kay Sr. Supt. Crizaldo Niever, Provincial Police Office Director ng Nueva Ecija, wala naman naiulat na nadamay sa pagbasak ng 2 seater trainer plane na may tail number RP-1025.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

 

Show comments