Project manager pinuntirya sa ulo

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 43-anyos na project manager ng rural water works matapos na pagbabarilin ito sa ulo ng riding-in-tandem kamakalawa sa  Batangas City.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Manny Geron, residente ng Sitio Pulo, Brgy. San Pedro ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:13 ng umaga ay nakaupo ang biktima sa terasa ng kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at agad na pinagbabaril ito sa ulo.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments