MANILA, Philippines - Nauwi sa barilan ang paghahain ng mga otoridad ng warrant of arrest sa isang most wanted na drug pusher na naganap kamakalawa sa Tanjay City, Negros Oriental.
Ang suspek na napatay ay kinilalang si Marlon Silva, gumagamit ng mga alyas na Tama at Tom Jones, residente ng Brgy. Polo ng nasabing lungsod. Habang naaresto ang dalawa nitong kasama na sina Agustin Ferolino ÂTagat at Elber Curita.
Nasugatan naman ang dalawang pulis na miÂyembro ng Provincial Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (PAIDSOTG).
Batay sa ulat, bandang alas- 5:00 ng umaga nang salakayin ng arresting team mula sa pinagsanib na elemento ng 7th Regional Criminal and Detection Unit (RCIDU), PAIDSOTG at Tanjay City Police ang lungga ni Silva at ilan nitong kasamahan sa Brgy. Polo para isilbi ang warrant of arrest sa kasong pagtutulak ng droga.
Sa halip na sumuko ay agad na nagpaputok si Silva na nauwi sa barilan sa pagitan ng magkabilang panig na nagresulta sa pagkamatay nito.
Nasamsam sa operasÂyon ang apat na mga armas, sari-saring rounds ng bala at ilang plastic sachet ng methampheÂtamine hydrochloride o shabu.