MANILA, Philippines - Umaabot na sa 600 katao sa bansa ang namamatay kada taon dahil sa rabies dahil sa paghihintay pa na dapat ay tatlong katao ang makagat ng hayop na may rabies bago ito bakunahan.
Ito ang inihayag ni Bulacan Rep. Gavini Pancho kaya’t sa kanyang panukalang batas ay hinihiÂling sa mga pharmaceutical companies sa bansa na gumawa at magbenta ng special single packaging ng bakuna laban sa rabies.
Dahil sa kasalukuyan ang mga ospital ng gobyerno ay nagkakaloob ng libreng bakuna sa tatlong pasyenteng kinagat ng aso o anumang uri ng hayop.
Subalit, hindi umano tamang maghintay pa ng dalawa pang makakagat bago bigyan ng bakuna ang isang pasyente.
Ayon sa solon may mali sa sistema kaya’t ikalima ang Pilipinas sa talaan ng World Health Organization (WHO) pagdating sa may maraming kaso ng tinatamaan ng rabies.