MANILA, Philippines - Huli sa closed circuit television (CCTV) ang dalawang lalaki na nagtatapon ng isang bangkay ng lalaki na nakalagay sa balikbayan box kahapon ng umaga sa Pasay City.
Ang dalawang lalaki na nahuli ng CCTV na nagtatapon ng bangkay ay kinilalang sina Joseph Torrente, 30, at Ferdinand Villegas kapwa residente ng 2451 M. Dela Cruz St., ng lungsod.
Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya, subalit nabiÂgong madakip ang daÂlawa.
Batay sa ulat, alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng mga nagÂrorondang barangay tanod ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa harap ng isang bahay sa 2334 M. Dela Cruz St.
Walang nakakaÂkilala na mga residente sa nasabing bangkay na inilarawan na nasa pagitan ng 35 hanggang 40-anyos, nakasuot ng gray na t-shirt at maong na pantalon, may tattoo na “Cheska†sa kanang balikat at laslas ang leeg.