DOJ-mahirap ilipat ng kulungan si Napoles

MANILA, Philippines - Inamin ni Justice Secretary Leila De Lima na mahirap ilipat sa ordinaryong piitan ang pinagbibintangang  pork scam queen na si Janet Lim Napoles bilang tugon sa mga panawagan na alisin na ito sa Fort Sto Domingo sa Sta. Rosa Laguna dahil sa umano ay nabibigyan lamang ng special treatment.

 Anya, masusi nilang pinag-aaralan ang mga panawagan dahil ayaw nilang masayang ang pagkakataon na maisipan ni Napoles na magsalita tungkol sa kanyang nalalaman sa pork scam.

Anya, hindi umano kadali na ilipat si Napoles dahil kailangang alamin nila nang husto ang maaari nitong idulot sa kaso ng pork barrel fund dahil sa umaasa pa rin sila na ibubunyag ang lahat ng nalalaman  nito sa mga nakinabang o sangkot sa kontro­bersiyal na paggamit ng pork barrel scam.

Show comments