Brgy.chairman inutas ng riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang barangay chairman matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang nasawi dahil sa tatlong tama ng bala ay kinila­lang si Alejandro Bonifacio, 54, residente at  chairman ng Barangay 163 sa Sta. Quiteria ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:00 ng umaga, ay sakay ang biktima ng tricycle patungo sa barangay hall para dumalo sa flag ceremony nang sumabay sa kanila ang isang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang suspek at dito ay bumunot ng baril ang angkas at pinagbabaril ang biktima.

Nang masigurong tinamaan ang biktima ay mabilis na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo na walang plaka.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung personal o may halong pulitika ang pagpatay sa biktima.

 

Show comments