Anak ng mayamang Chinese na kinidnap, nakatakas

MANILA, Philippines - Nagawang matakasan ng isang engineering student na anak ng mayamang Chinese ang kanyang abductors matapos ang  isang araw na pagka­kabihag nang tumalon ito sa talampas  sa Diplahan, Zamboanga Sibugay  kamakalawa.

Ang nasabing kidnap victim ay  si Stephen Tan, 19 na kinidnap ng mga armadong kalalakihan at puwersahang isinakay sa isang kulay abong Ford (KGS-123) sa Brgy. Gatas, Pagadian City noong Pebrero 27 ng gabi.

Sa pahayag ng  biktima na piniringan siya ng mga kidnaper at pinaglakad ng malayo at nang makasilip ng pagkakataon ay tinanggal niya ito saka tumalon sa isang matarik na bundok  na ang babagsakan ay ilog.

Hinabol ng mga kidnaper ang biktima, subalit nagawa nitong makapagtago sa madamong bahagi sa lugar at ng wala na ang mga suspek ay doon na ito lumabas saka naglakad.

Nagawa namang makahingi ng tulong ang biktima sa bahay na nakita nito sa lugar na tumawag sa mga otoridad at sa alkalde ng Diplahan, Zamboanga Sibugay.

Show comments