MANILA, Philippines - Nasugatan ang tatlong pulis makaraang tambaÂngan ng hindi pa mabilang na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nage-escort sa mga opisyal ng City Environment and Natural Resources Office ( CENRO) kamakalawa sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur.
Ang mga nasugatang pulis ay kinilalang sina PO2 Arwin Flores de la Cruz, PO2 Alejandrino Muyco Intas at PO1 Mark Sherwin Mercado; paÂwang nilalapatan na ng lunas sa D.O. Plaza Memorial Hospital.
Sa ulat, bandang alas- 2:15 ng hapon ay lulan ng Elf truck ang apat na pulis kasama ang mga opisyal ng CENRO at habang binabaybay ang national highway ng Brgy. San Vicente, Barobo para magtungo sana sa Brgy. Gata upang inspeksyunin ang mga nakumpiskang troso nang pagbabarilin ng maganap ang pag-ambush ng mga rebelde na ikinasugat ng tatlong pulis.
Agad namang nagsiatras ang mga rebelde matapos na makipagpalitan ng putok sa mga ito ang siyam na personnel ng 31st Regional Public Safety Company (RPSC).