^

Police Metro

2 Pinoy utas sa Doha gas blast

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang Pinoy ang nasawi habang dalawang kasama ang malubhang nasugatan sa pagsabog ng isang tangke ng gas sa isang Turkish restaurant sa Doha, Qatar kamakalawa.

Sa report ni Ambassador Crescente Relacion ng Embahada ng Pilipinas sa Qatar sa DFA, kinumpirma na dalawang Pinoy ang kabilang sa 12 katao na nasawi sa pagsabog.  

Kinilala ni Ambassador Relacion ang isa sa dalawang OFW na nasawi na si Romar Faduhilao habang tumangging pangalanan pa ang tatlong biktima  habang ipinaalam nila ang insidente sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na kabilang sa may 30 kataong sugatan sa insidente ang dalawang OFW na nasa mabuti nang kalagayan at nagpapagaling sa Hamad General Hospital sa Doha. 

Nagpadala na ng welfare officer ang Embahada sa nasabing ospital kung saan nakalagak ang bangkay ng dalawa at upang magbigay ng assistance sa dalawa pang sugatan.

Ang mga OFWs na nadamay sa pagsabog ay pawang merchandizer ng Carrefour Supermarket sa loob ng Landmark mall na kalapit ng sumabog na Istanbul Restaurant. 

Inihayag naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon na tatanggap ng tig-P200,000 death benefits at P20,000 burial benefits ang pamilya ng mga nasa­wing OFW kung sila ay miyembro ng OWWA.

ADMINISTRATOR CARMELITA DIMZON

AMBASSADOR CRESCENTE RELACION

AMBASSADOR RELACION

CARREFOUR SUPERMARKET

DALAWANG PINOY

DOHA

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HAMAD GENERAL HOSPITAL

ISTANBUL RESTAURANT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with