Binata, tumalon sa LRT, tigok
MANILA, Philippines - Tigok ang isang binata makaraang tumalon mula sa istasyon ng Light Rail Transit (LRT) kahapon ng umaga sa Pasay City.
Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Romuel Joves, 25, binata, ng Block 10, Lot 12 Kalayaan Village, Barangay 201 sa lungsod.
Sa report ng Pasay City Police Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa railing ng train na kumokonekta sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa Taft at EDSA Avenue.
Nabatid, na kasama ng biktima ang kanyang inang si Ludy Briones, 66, at patungo sana ang mga ito ng PGH dahil magpapa-check-up ang biktima.
Ayon kay Ludy, bigla na lamang tumakbo ang biktima at tinangka niya itong habulin subalit mabilis na nakaakyat sa tulay ng LRT-MRT at isinagawa ang pagtalon.
Sinabi ni Ludy, matinding depression ang isa sa mga dahilan ng pagpapatiwakal ng kanyang anak dahil ilang araw ng hindi natutulog makaraan umanong laitin ng kanilang mga kapitbahay ay pinagsabihang dalhin na Mental Hospital.
- Latest