MANILA, Philippines - Marapat lamang na panatilihin ang ‘rule of law’.
Ito ang panawagan ng United Nations upang maiwasan ang anumang bangayan at maresolba ang iringin particular sa international level.
Sa open debate ng UN Security Council, binigyang-diin ni UN Secretary General Ban Ki-Moon sa lahat ng member countries na mahalaga na sumang-ayon sa ipinapatupad na batas upang maiwasan ang kaguluhan.
Kabilang sa tinutukoy ng UN Secretary General ay ang conflict-affected at post conflict-affected areas kabilang na usapin sa territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China kung saan naghain ang pamahalaan ng kaso laban sa China sa arbitral tribunal sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Seas.
Sinabi rin sa open debate ni Philippine Permanent Representative to the United Nations Libran Cabaculan na ang rule of law ay isang “vital object at instrument†na polisiya na magiging daan para makamit ang kapaÂyapaan at katatagan.
Ipinunto ni Cabaculan na ang ma-prinsipyong posiyon ng Pilipinas ay naaayon sa principles at charter ng United Nations.
Iginiit pa ng kinatawan ng Pilipinas sa UN na kung aayunan ang rule of law, kailangan tiyakin ng bawat bansa o pamahalaan na maiiwasan ang anumang bangayan, resolbahin ang iringan at panatilihin ang kapayapaan at katatagan at hindi kailangan gumamit ng dahas at lakas.