Inside job sinisilip sa jewelry shop robbery

MANILA, Philippines - Sinisilip ng Quezon City Police District (QCPD) ang anggulo na inside jop sa pagnanakaw sa isang jewelry shops sa Cubao, kamakalawa ng umaga.

Sinabi ni QCPD director Chief Supt. Richard Albano, posible anyang may kasabwat ang mga suspek sa loob ng shop dahil base sa nakita nila, hindi umano gaanong bihasa ang mga suspek sa kanilang ginawa.

Magugunita na noong Lunes ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang First Allied Emporium Jewelry Inc., na matatagpuan sa kahabaan ng Gen. Roxas, Araneta Center, Cubao.

Nabatid na sinabayan ng mga suspek ang pagpasok ng mga empleyado ng jewerly shop at saka nagdeklara ng holdap at pinagbabasag ang display case ng mga alahas saka tinangay ang mga ito.

Napansin din ng pu­lisya na tila bagito ang mga suspek dahil makikitang hindi sanay ang mga ito na parang tumetesting lang at hindi gaanong bihasa.

Malaki anya ang maitutulong sa kaso kung ang CCTV camera na nasa loob ng establisyemento ay nakabukas dahil dito ay mapapadali anya ang pagtukoy sa mga suspek.

Show comments