MANILA, Philippines - Hinoldap ng apat na kalalakihan ang isang tindahan ng alahas at natangay ang nasa P2 milyong halaga naganap kahapon ng umaga sa Cubao, Quezon City.
Batay sa ulat, ganap na alas-9:45 ng umaga ay kabubukas lang ng First Allied Emporium Jewelry Inc., na matatagpuan sa kahabaan ng Gen. Roxas, Araneta Center, Cubao nang umatake ang limang suspek.
Tatlo katao ang pumasok na nakasuot ng bullcap sa loob ng tindahan habang nagsilbing lookout ang dalawa na mga driver ng dalawang motorsiklo na walang plaka.
Hinataw ng martilyo ang mga nakadisplay na alahas at nang masimot ay tumakas ang mga ito sakay ng dalawang motorsiklo.
Isang security guard na nakaposte sa entrance ng mall ang binaril ng mga suspek, subalit hindi ito tinamaan habang ang isang PO1 Leo Damo na nakatalaga malapit sa lugar ay sinasabing tinamaan ang isa sa mga suspek, ng barilin niya ang mga ito.
Hindi namukhaan ang mga suspek dahil sa nakapatay ang CCTV ng tindahan, bagama’t natukoy ang isa sa mga suspek sa rogue gallery ng pulisya.