Anak nasugatan... Pulis opisyal itinumba
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang opisyal ng pulisya habang nasuÂgatan naman ang anak nitong kolehiyala matapos na pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo kahapon ng umaga sa bisinidad ng highway ng Brgy. Sto. Domingo, Biñan City, Laguna.
Ang nasawing biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Sr. Inspector Jerry Uy, nakatalaga sa Administration Office ng Biñan City Police.
Nasugatan naman ang anak nitong si Jan Debbie, 17 anyos, estudyante na patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Sa ulat ni Biñan City Police Director P/Supt. Rizalito Gapas, dakong alas-6:45 ng umaga ay ihahatid sana ng biktima ang anak nito sa eskuwelahan lulan ng kanilang motorsiklo nang biglang paputukan ng mga suspek na nakamotorsiklo.
Mabilis na tumakas ang mga suspek ng kapwa bumulagta ang mag-ama sa kalsada.
Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa trabaho ang motibo nang pamamaril sa biktima.
- Latest