Maximun tolerance ipapatupad
MANILA, Philippines - Magpapatupad ng maximun tolerance ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno sa protestang ikinasa ng mga truckers kasabay ng pagpapatupad ng day time truck ban simula ngayong araw.
Ayon kay Moreno, handa na kanilang panig sa anumang gagawin ng mga truckers kasama ang puwersa ng Manila Police District (MPD) sa panguÂnguna ni Officer in Charge Sr. Supt. Rolando Nana.
Inaasahan muling magsusuot ng camouflage uniform si Estrada na kanyang isinuot nang ipatupad ang bus ban sa Maynila.
Sinabi ni Moreno, ang desisyon ng mga trucÂkers ay indikasyon na nais nilang ipakita na mas magaÂling at malakas sila sa opisyal ng pamahalaan at walang makakapigil sa kanilang gagawing protesta ngayon araw.
Nakalulungkot lamang isipin ayon kay Moreno na ginagawa ng city government ang lahat ng paraan upang mapagbigyan ang lahat ng sector subalit tila sila pa ang ginawagang kontrabida ng mga truckers.
Aniya, pansarili lamang ang iniisip ng mga truckers samantalang hindi nila alintana ang kapaÂkanan ng mas nakararaÂming maaapektuhan commuters.
Naniniwala si Moreno na ang kanilang ginawang modification na tatagal sa loob ng anim na buwan ay makabubuti sa lahat ng sector kung kaya’t wala nang dapat pang ikagalit ang mga truckers.
- Latest