Malacañang tiniyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Ukraine

MANILA, Philippines - Titiyakin ng Malacañang ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Ukraine na ngayon ay nasa political crisis.

Ayon kay deputy pre­sidential spokesperson Abigail Valte, patuloy ang ginagawang pagsubaybay ng Department of Foreign Affairs sa mga overseas Filipino workers na nasa Ukraine.

Idinagdag pa niValte na wala pa naman silang nakukuhang ulat na may Filipinong naapektuhan o nasaktan dahil sa krisis sa nabanggit na bansa.

Inaalam na rin umano ng Malacañang sa DFA ang totoong bilang ng mga Filipino na nasa Ukraine na ang krisis ay nagsimula noon Nobyembre 2013 na nagpapatuloy sa kasalukuyan at nasa 77 Ukrainian na ang nasasawi.

Show comments