Parak sabog ang ulo sa tandem

MANILA, Philippines - Malapitang binaril sa ulo ang isang pulis ng isa sa riding in tandem kamakalawa ng hapon sa Bulaong Village, Brgy.Labangal, General Santos City.

Ang biktima na namatay noon din matapos sumabog ang bungo nang barilin sa ulo ng kalibre 45 ay kinilalang si PO3 Sherwin Badan, naka-assign  bilang intelligence operatives sa Sarangani at Davao Occidental.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:50 ng ha­pon ay nagpapa-load ng kanyang cell phone ang biktima sa isang tindahan sa nasabing lugar  nang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo.

Bumaba ang angkas ng motorsiklo habang ang rider ng motorsiklo ay nagsilbing lookout at paglapit sa biktima ay walang kaabug-abog na binaril ito sa ulo.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Wilma Badan na bago ang pagpatay sa kanyang mister ay marami na itong natatanggap na pagbabanta sa buhay na umano ay may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang intelligence operatives.

 

Show comments