Dagdag 50 sentimos sa pasahe hiling
MANILA, Philippines - Nagsampa ng petisÂyon kahapon sa Land Transportation FranÂchising Regulatory Board (LTFRB) ang iba’t ibang jeepney transport groups na maitaas ng 50 cents ang kasalukuyang P8.00 minimum fare para maÂging P8.50 ang minimum ng pasahe sa mga pampasaherong jeep sa NCR, Region 3 at Region 4 .
Ayon sa grupo, na napapanahon na anya para madagdagan ng 50 cents ang minimum na pasahe sa jeep dahilan sa tumaas ang halaga ng diesel na siyang gamit ng mga passenger jeepney na ngayon ay umaabot na sa P45.00 ang presyo ng diesel kada litro mula sa dating P43.00 kada litro
Ayon pa sa grupo na ang minimum fare na P8.00 ay para lamang sa P36.48 kada litro ng diesel kayat hindi na nila kakayanin ang malaking dagdag na gastusin sa presyo ng diesel at sa araw-araw na pamumuhay kung hindi itataas sa 50 cents ang pasahe sa jeep.
Ibig sabihin ng provisional increase ay hindi na idadaan pa sa pagdinig ng LTFRB ang 50 cents bagkus ay maaari na agad itong maipatupad sa oras na aprubahan ng LTFRB.
- Latest