MANILA, Philippines - Malubha ang kalagaÂyan ng isang ina at 10 buwan gulang nitong anak na lalaki matapos na aksidenteng masagaÂsaan ng isang motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Kilometer 12, Brgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Oche Devera Sarabia, 25-anyos at 10 buwang sanggol nitong si Tyron.
Sa ulat, dakong alas-11:25 ng umaga ay kasalukuÂyang naglalakad ang ginang karga ang anak sa kahabaan ng national highway ng Kilometer 12, Brgy. Manapa, Buenavista nang masagasaan ng humahagibis na Honda XRM 125 motorcycle (1137 IA) na minamaneho ni Alan Solen, 43-anyos.
Sa lakas ng pagkakasalpok ay humampas sa kalsada ang ulo at katawan ng ginang na nabitiwan pa ang sanggol.
Mabilis na dinala sa Agusan del Norte Provincial Hospital ang mag-ina. Habang ang driver ay nahaharap sa kasong kriminal.