MANILA, Philippines - Isang magandang dalaga na pamangkin ng isang retiradong pulis opisyal na naging hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang dinukot ng anim armadong kalaÂlakihan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mercedes, Zamboanga City.
Ang biktima ay kinilalang si Sabrina Ikbala Bon na pamangkin ni dating ARMM Police Director ret. Chief Supt. Sukarno Ikbala.
Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi sa kahabaan ng Pohoc Drive, Brgy. Mercedes, Zamboanga City ay puwersahang kinaladkad ng anim na mga armadong kalalakihan pasakay sa isang kulay puting van (GPH-581) ang biktima at pagkatapos ay isinakay sa pump boat patungo sa karagatan ng Mulu-Muluan Islan.
Narekober naman ng mga nagrespondeng eleÂmento ng pulisya at militar ang nasabing getaway vehicle na inabandona ng mga kidnapper sa bahagi ng Interior Dungkaan, Sitio Gapo, Brgy. Talabaan ng lungsod na ito.