^

Police Metro

Hindi pabor na maging ikalawang nanay... Lover ni tatay pinatay ng anak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na hindi pabor ang tatlong magkakapatid sa ka-live-in ng kanilang ama kung kaya’t pinasok nila ang bahay nito at pinagbabaril na naganap kamakalawa sa Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Elaria Archay, 26-anyos, residente ng Blk.1, Lot 1, Sanitary Compound, Brgy. Sta. Lucia ng nasabing lungsod at live-in partner ni Cosain Bangon na ama ng mga suspek.

Ang mga suspek ay ang magkakapatid na kinilalang sina Ali Asgar, 18-anyos, 4th year high school student; Ashia Batao; at Alinor Bangon, kapwa nasa hustong gulang at  residente ng Brgy. Datu Esmael ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3:35 ng hapon nang puntahan ng magkakapatid ang bahay ng biktima at nang makarating sa bahay ay pumasok ang mga ito at nang makita ang biktima ay agad na bumunot ng baril si Ali Asgar at pinagbabaril ang biktima.

Hindi pa batid ng pu­lisya kung ilang taon nang ka-live-in ng biktima ang tatay ng mga suspek na posibleng hindi pabor na maging ikalawang nanay ang biktima kung kaya’t pinatay nila ito.

Apat na basyo ng bala ng kalibre 45 baril ang narekober sa loob ng bahay ng biktima habang pinaghahanap ang magkakapatid.

vuukle comment

ALI ASGAR

ALINOR BANGON

ASHIA BATAO

BIKTIMA

BRGY

COSAIN BANGON

DATU ESMAEL

ELARIA ARCHAY

SANITARY COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with