MANILA, Philippines - Dead-on-the spot ang isang abogada ng isang community cooperative matapos na ito ay aksidenteng masagasaan ng isang sasakyan habang naglaÂlakad kahapon ng umaga sa kahabaan ng Escario St., Cebu City.
Kinilala ang nasaÂwing si Atty. Norma Garciano, legal office head ng Cebu CFI Community CoopeÂrative, isang financing cooperative sa Cebu Provincial Capitol.
Sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng umaga ay kasalukuyang naglaÂlakad si Garciano sa kahabaan ng nasabing kalsada malapit sa Capitol Parish sa Escario Street nang masalpok ito ng isang rumaragasang Mitsubishi Strada na minamaneho ni July Yamyamin, 24 anyos.
Agad na nasawi ang biktima habang tumakas si Yamyamin at ilang oras ay sumuko rin sa pulisya.
Ayon kay Yamyamin hindi umano niya nakontrol ang manibela ng kaniyang behikulo sa bilis ng pangyayari ay nasagasaan niya ang biktima.