HK nagbabala ng bagong sanction sa Pinas

MANILA, Philippines - Kung patuloy uma­nong magmamatigas ang pamahalaan sa hindi paghingi ng paumanhin sa naganap na Manila hostage crisis noong 2010 na ikinasawi ng 8 Hong Kong nationals ay na­nganganib na magpataw muli ng parusa ang Hong Kong government.

Ito ay matapos na sa­bi­hin ni Hong Kong Chief Executive Leung Chun-ying sa isang pana­yam ng South China Morning Post na kaila­ngang magpakita pa ng sinseridad ang Pilipinas sa pagresolba sa usapin sa Manila hostage crisis.

Ang paghimok ni Leung sa PH government ay upang maiwasan umano ang kasunod pang parusa na kanilang ipapataw laban sa Pilipinas.

Una nang pinatawan ng sanction ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatanggal ng 4-days visa-free entry  para sa mga bibisitang PH government officials o diplomatic passport holders sa Hong Kong.

Show comments