^

Police Metro

Trillanes kay Jinggoy: ‘Wag mag-blind items!

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV si Senator Jinggoy Estrada na pangalanan  ang ibang mga senators na umano ay nakapag-transaksyon kay pork barrel scam witness Ruby Tuason sa halip na magbigay ng mga “blind items.”

“Sana sinabi niya kung sinu-sino ‘yun, para tayo kasing nagba-blind item dito e,” wika ni Trillanes.

Magugunita na sinabi ni Estrada noong Martes na nagtataka kung bakit siya at dating chief aide ni Atty. Gigi Reyes lang ang nabanggit sa  affidavit gayung marami itong kaibigan na senador si Tuason  na binisita nito at humihingi ng proyekto sa pamamagitan ng PDAF (Priority Development Assistance Fund).

Si Tuason, na isang socialite at dating Palace aide ay inamin na nagdeliber siya ng kickbacks mula umano sa pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles para ibigay kay Estrada at  Reyes.

Samantala hiniling kahapon ni Estrada na ilabas na rin ang CCTV footages sa ika-5 palapag kung saan nag-oopisina ang mga senador upang makita kung sino pang mga senador ang pinuntahan ni Tuason at inalok ng proyektong pinondohan ng PDAF.

Nauna ng hiniling ni Estrada na ilabas ang CCTV footages sa 6th Floor ng Senado kung saan naroon ang kanyang tanggapan upang makita ang pagtungo ni Tuason sa kanyang opisina at kung ano ang dala nito.

GIGI REYES

HINAMON

JANET LIM NAPOLES

KUNG

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RUBY TUASON

SENATOR ANTONIO TRILLANES

SENATOR JINGGOY ESTRADA

SI TUASON

TUASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with