MANILA, Philippines - Nanawagan ang Malacañang sa publiko at mga negosyante na magsakripisyo at makiisa sa isinusulong na pag-unlad dulot na trapiko sa pagtatayo ng Skyway 3.
Sana anya ay ikunsidera din ng mga negosÂyante ang pagpapatupad ng flexible time gayundin ang home arrangement para sa kanilang mga empleyado.
Ito ang naging panaÂwagan ni PCOO Sec. Germinio Coloma Jr., upang makaiwas sa trapiko ang kanilang mga empleyado habang ginagawa ang Skyway 3.
Nakiusap ang PaÂlasyo sa mga negosyante na makiisa sa paghahaÂnap ng solusyon upang hindi makadagdag sa problema sa trapiko habang ginagawa ang Skyway 3.