Mga pekeng produkto nasamsam sa 2 bodega na pag-aari ng Parañaque mayor
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P800 milyon na mga pekeng produkto ang nasamsam ng Bureau of Customs sa dalawang bodega na umano ay pag-aari ng pamilya ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.
Ayon sa Bureau of Customs Intelligence Group, sa pangunguna ni Deputy Commissioner Jessie Dellosa, na ang mga pekeng produkto ay nadiskubre sa dalawang bodega sa compound na pag-aari ng pamilya ni Mayor Olivarez at kanyang tatay na si dating mayor at ngayon ay Barangay San Dionisio chairman Pablo Olivarez.
Sinabi pa ni Dellosa na ang mga kontrabando ay ang mga pekeng sapatos, bags,maleta at mga damit. Nakumpiska din ang 50 sako ng refined powder na isasailalim sa chemical analysis upang matukoy kung anong uri.
Mahaharap ang mga consignees ng pekeng produkto sa paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines, and Republic Act 8293 or the Intellectual Property Code of the Philippines.
Ayon naman kay MaÂyor Olivarez na ang mga kontrabandong nakumpiska sa kanilang bodega ay hindi nila pag-aari kundi sa kumÂpanyang ZQL Enterprises na pag-aari ng isang Richard Gonzales Cheng.
- Latest