Meralco power rate hike na-TRO uli

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkakataon ay muling nagpalabas ng 60 araw na temporary restraining order ang Korte Suprema kaugnay sa power rate hike o pagtaas sa singil ng kuryente ng Manila Electric Company (Meralco)  na magtatagal hanggang Abril 22, 2014.

Batay na rin sa pagta­lakay ng mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman sa inihaing petisyon na “urgent motion for extension of the TRO and/or Preliminary Injunction” ng mga petisyuner sa kaso.

Kabilang sa mga naghain ng kanilang pe­tisyon para sa pagpalawig ng nasabing TRO ay sina Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabriela Women’s Party Rep. Luz Ilagan at Emmi de Jesus; Act Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio; at Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon.

Habang kabilang naman sa mga respondents sa kaso ay ang Energy Regulatory Commission (ERC) at Meralco.

Una nang nagpalabas ang SC ng 60 days TRO noong Disyembre 23, 2013 na pansamantalang pumi­pigil sa dagdag si­ngil sa kuryente na P4 kada kwh.

 

Show comments