Ginang nagbigti sa Valentine’s Day

MANILA, Philippines - Ginawang memorable ng isang ginang ang ginawa niyang pagpapakamatay matapos na nagbigti sa mismong Valentine’s Day kahapon sa loob ng kanyang bahay sa Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Jessica Merino, 39, ng nakatira sa Circle Drive Vermont Park, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nang matagpuan ang biktima ng kanyang live-in partner na si Larry Romero na nakabigti gamit ang kordon ng telepono.

Sa salaysay ni Larry, pagdating niya sa bahay at kinatok nito ang biktima, ay walang nagbubukas kaya nagpasyang dumaan sa bubungan at nang makapasok sa loob ng bahay ay laking gulat nito ng makitang nakabigti ang kanyang kinakasama.

Walang alam si Larry na may problema ang biktima, subalit kilala niya ito na kahit konting  problema sa buhay ay kinikimkim at sinisikreto sa kanya.

Show comments