MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang jeepney driver matapos na barilin ng nairitang traffic enforcer habang nagtatalo ukol sa paglabag sa trapiko ng una kamakalawa ng gabi sa national highway, Brgy. Makiling, Calamba City, Laguna.
Ang nasawi dahil sa tama ng bala ng cal.45 sa likod ay kinilalang si Sernel Malaguit, 41, driver ng PUJ (DXV-658), residente ng Sto.Tomas, Batangas.
Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Alexander Rabago, 43-anyos, barangay tanod na nakatalagang traffic enforcer.
Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:00 ng gabi sa harapan ng Yazaki Torres, national highway ay sinita ng suspek ang biktima matapos na magbaba ng mga pasahero sa alangaÂning lugar.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ni Rabago kaya’t agad pinaharurot ng una ang behikulo patungong Batangas upang iwasan na ang nagmumurang suspek.
Subalit hinabol ito ng suspek at inaÂbutan may 50 metro sa lugar kung saan sumampa sa jeepney ang una at binaril gamit ang cal.45 pistol sa biktima na halos sumabog ang likod sa insidente.