Sekyu ginilitan ng kahero

MANILA, Philippines - Ginilitan ng isang kahero ang sarili nilang security guard na natagpuang patay sa loob ng internet shop na kapwa nila pinapasukan kamakalawa sa Subic Bay Freeport Zone.

Ang biktima ay kinilalang si Danilo Yap, 23, security guard sa E-Games Shop na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Site Building, malapit sa Subic Gym sa loob ng Subic Bay Freeport Zone.

Habang ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Patrick Fajardo, kahero ng E-Games Shop.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon nang magtungo si Dawn Gonzalvo, 28, manager ng internet shop at nagtaka kung bakit sarado pa ang natu­rang shop.

Binuksan niya ito gamit ang duplicate key at laking gulat nang makita nito ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sari­ling dugo, habang suspek ay tahimik na nakaupo sa isang sulok at may mga sugat sa kamay na pininiwalaang lumaban ang suspek.

Hindi pa matiyak kung magkano ang  nawalang pera sa shop.

Show comments