MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga otoridad ang may P307 milyon halaga ng shabu sa isang pagsalakay sa isang condominium na ginawang imbakan sa Parañaque City kahapon.
Sa ulat ni P/Inspector Roque Merdeguia, spokesperson ng PNP-AID-SOTF, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang salakayin ng mga otoridad ang Sentosia Condominium na matatagpuan sa Macapagal Boulevard, Brgy. Tambo ng nasabing lungsod sa bisa ng isang search warrant na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court Judge Fernando Sagun Jr.


Dito ay nasamsam ang dalawang maleta na naglalaman ng 20 plastic na may lamang shabu na tumitimbang ng 20 kilo at karagdagan pang 15 plastic na may laman ding shabu na inilagay naman sa drawer sa locker, isang sako ng ephedrine, isang uri ng kemikal na gamit sa paggawa ng shabu na tumitimbang naman ng 15 kilo.
Nabigong maaresto ang apat na pinaghihinalaang Chinese bigtime drug traffickers na sina Marvin Tan alyas Tsiu; Johnson Co alyas Johnson Chua; Jacky Sia Huang alyas Tsoi; at Frederick Tan at apat na kasosyong Pinoy na kinilalang sina Fernando Dilima, Richard Catungal, James Garcia, isang tinukoy lamang sa pangalang Emmy alyas Mingming ang pinaghaÂhanap din.
Bago ang pagsalakay ay nakatanggap ang PNP-AID-SOTF ng impormasÂyon hinggil sa pagkakasangkot ng mga suspek sa talamak na pagbebenta ng droga kung saan ang nasabing condominium unit ang ginawa ng mga itong ‘drug stock room’ sa kanilang illegal na opeÂrasyon.
Dinala na sa tanggapan ng PDEA laboratory ang mga nasamsam na droga at mga ebidensya laban sa mga suspek.
Samantala, naaresto rin ng mga otoridad ang isang pinaghihinalaang bigtime drug pusher na kinilalang si Oligar Garcia Oliva alyas Gary ng Brgy. Minangga, Aparri sa isinagawang raid sa kanyang bahay dakong alas-9:00 ng umaga at nasamsam ang P 3.5 milÂyon halaga ng shabu.
Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Conrado Tabaco ng RegioÂnal Trial Court (RTC) Branch 9, Aparri, Cagayan.