^

Police Metro

Florida bus kakasuhan ng carnapping

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kasong carnapping ang posibleng kaharapin ng kumpanya ng Florida Bus Transit na ang isang bus ay nahulog sa bangin sa Bontoc, Mt. Province na ikinasawi 14 katao at pagkasugat ng mahigit 30 pa.

Ito ang sinabi ni  PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Spokesperson P/Sr. Supt. Elizabeth Velasquez na kanilang ibinatay sa probisyon ng  Republic Act (RA) 6539 Anti Carnapping Law  ang pagpapalit ng plate number ay maituturing na elemento ng carnapping.

Magugunita na nadiskubre ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi para sa nadiskaril na GV Florida ang plate number na nakakabit dito at sa halip ay nakarehistro pala ito sa isang bus na pag-aari naman ng Mt. Province Cable Tours na nakapangalan sa isang Norberto Que Sr.

Magugunita na nahulog sa  may 120 metrong bangin ang isang unit ng GV Florida bus na may nakakabit na plakang TXY-872, gayong ang orihinal nitong plaka ay BVN-844 na tinatawag na kambal plaka.

Ayon sa opisyal na hindi ito ang unang pagkakataon ng ganitong kaso ng kambal plaka dahilan talamak umano itong gawain ng mga tiwaling kumpanya ng bus na bumibiyahe sa iba’t-ibang mga probinsya.

 

ANTI CARNAPPING LAW

ELIZABETH VELASQUEZ

FLORIDA BUS TRANSIT

HIGHWAY PATROL GROUP

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAGUGUNITA

MT. PROVINCE

MT. PROVINCE CABLE TOURS

NORBERTO QUE SR.

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with