MANILA, Philippines - Isang Suzuki APV na may mga pasaherong estudyante at mga guro ang nahulog sa bangin na ikinasawi ng isang guro at pagkasugat ng 14 iba pa kahapon sa Barangay Bulaan, Buug, Zamboanga Sibugay.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Abdulajid Lukman, 41 kabilang sa delegasyon ng mga guro at estudÂyanteng atleta na kasali sa Palarong Autonomous Region in Muslim MinÂdanao Athletic Association (ARMMAA) at siyang nagmamaneho ng van (JDP -953).
Habang ang 14 nasugatan ay dinala sa St. John Hospital sa Buug ng lalawigang ito.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Andan Tammang, technical official; Hji Kuril Taludjud, principal; Sitti Ramsani Mahmud, guro; Nur Aina Ramsani, school nurse; Hji Ayub Ramsani, supervisor; Nurhaima Ramsani, principal; Ferdeliza Ainul, Alhaina Banbon; Marhama Sarri; Ummal Nabri; Sitti Rasma Mahmud; Gerry Hamin; Arjaida Atiulla; at Alhaina Bandao.
Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga ay binabaybay ng SUV ang national highway ng Brgy. Bulaan, Buug, Zamboanga Sibugay nang umano’y mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Lukman dahilan upang mahulog sa bangin at naipit ang katawan nito sa loob ng behikulo na siya nitong dagliang ikinamatay.
Ang nasabing deleÂgasyon ay patungo sana sa Marawi City na kabilang sa mga kalahok sa Palarong ARMMA sa lungsod na siyang host ng naturang palakasan.