^

Police Metro

Van nahulog sa bangin: Guro dedo, 14 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang Suzuki APV na may mga pasaherong estudyante at mga guro ang nahulog sa bangin na ikinasawi ng isang guro at pagkasugat ng 14 iba pa kahapon sa Barangay Bulaan, Buug, Zamboanga Sibugay.

Ang nasawi ay kinila­lang si Abdulajid Lukman, 41 kabilang sa delegasyon ng mga guro at estud­yanteng atleta na kasali sa Palarong Autonomous Region in Muslim Min­danao Athletic Association (ARMMAA) at siyang nagmamaneho ng van (JDP -953).

Habang ang 14 nasugatan ay dinala sa St. John Hospital sa Buug ng lalawigang ito.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Andan Tammang, technical official; Hji Kuril Taludjud, principal; Sitti Ramsani Mahmud, guro; Nur Aina Ramsani, school nurse; Hji Ayub Ramsani, supervisor; Nurhaima Ramsani, principal; Ferdeliza Ainul, Alhaina Banbon; Marhama Sarri; Ummal Nabri; Sitti Rasma Mahmud; Gerry Hamin; Arjaida Atiulla; at Alhaina Bandao.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga ay binabaybay ng SUV ang national highway ng Brgy. Bulaan, Buug,  Zamboanga Sibugay nang umano’y mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Lukman dahilan upang mahulog sa bangin at naipit ang katawan nito sa loob ng behikulo na siya nitong dagliang ikinamatay.

Ang nasabing dele­gasyon ay patungo sana sa Marawi City na kabilang sa mga kalahok sa  Palarong ARMMA sa lungsod na siyang host ng naturang palakasan.

 

ABDULAJID LUKMAN

ALHAINA BANBON

ALHAINA BANDAO

ANDAN TAMMANG

ARJAIDA ATIULLA

ATHLETIC ASSOCIATION

BARANGAY BULAAN

BUUG

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with