Iba pang testigo sa pork barrrel scam, pinalalantad

MANILA, Philippines - Pinalalantad ng Malacañang ang iba testigo o may nalalaman sa pork barrel scam para sabihin ang katotohanan makaraang magpasya si Ruby Tuason na maging state witness.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ma­ging si Pangulong Benigno Aquino III ay nagpahayag na makakatulong sa pagsasara ng kabanata sa nangyaring P10 bilyong pork barrel scam ang paglutang ng iba pang testigo.

Umaasa ang Palasyo na maging ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes ay magsalita na rin sa kanyang nalalaman ukol sa pork barrel scam.

Siniguro naman ni Coloma na ang Department of Justice ang bahalang tumimbang kung nararapat silang maging state witness at sumilalaim sa Witness Protection Program ng pamahalaan.

“Aalamin ng DOJ kung mayroong sapat na batayan upang bigyan din sila ng konsiderasyon na lumahok sa Witness Protection Program o ituring na saksi para sa pamahalaan (state witness), isasagawa ng DOJ ang mga nararapat na hakbang upang isulong ang pagpapatunay sa umano’y maling paggamit ng pondo ng bayan,” paliwanag pa ng PCOO chief.

Si Tuason ay nagsibling social secretary ni dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Erap Estrada subalit itinanggi naman ni Sen. Jinggoy Estrada na naging staff niya ito.

Naniniwala naman si Sec. Leila de Lima na mahalaga ang impormasyon na maibibigay ni Tuason kung saan ay tinawag pa niya itong “slum dunk information”.

 

Show comments